STRANDED | Halos 2,000 pasahero stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa

Aabot sa 1,744 na mga pasahero ang stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa dahil sa bagyong Rosita.

Pinakamarami ang 1,296 na pasaherong naitala sa Batangas Port at 208 ang nasa Pasacao Port sa Camarines Sur.

Habang na-stranded rin ang nasa 60 pasahero sa Polilio Port sa Quezon.


Umabot naman sa 121 mga sasakyan ang hindi pa nakakatawid sa dagat.

Inaasahan na sa pagbuti ng panahon ngayong araw ay makakabyahe na ang mga na-stranded na pasahero.

Facebook Comments