
Cauayan City — Isang lumba-lumba o Risso’s Dolphin ang matagumpay na na-rescue sa baybayin ng Barangay Pata East nitong Hulyo 21, 2025.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, ang dolphin ay natagpuang stranded ng grupo ng mga mangingisdang nagda-daklis, na agad namang nag-ulat sa mga kinauukulan.
Matapos ang operasyon, ligtas na nailipat ang dolphin sa rehabilitation facility ng BFAR, kung saan ito isinailalim sa obserbasyon at pagsusuri upang matiyak ang kalagayan nito bago muling pakawalan sa karagatan.
Ayon sa datos ng Philippine Marine Mammal Stranding Network (PMMSN), bagama’t hindi pa kabilang sa global endangered list, ang Risso’s Dolphin ay isa sa limang species ng dolphin na kadalasang nasasangkot sa mga stranding events.
Nagpapakita ang presensya ng hayop sa ang balanse sa food chain at tumutulong sa natural na pag-regulate ng populasyon ng iba’t ibang species sa dagat.









