Stranded passengers sa mga daungan sa bansa dahil sa tropical depression na Vicky, nabawasan na ayon sa PCG

Inihayag ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na mayroon na lamang 142 Stranded Passenger ang naitala ng Philippine Coast Guard sa ilang daungan sa bansa na pinigil na makapaglayag sa karagatan dahil sa sama ng panahon dulot ng tropical depression na Vicky.

Ayon sa PCG, ang mga stranded passenger, drivers at cargo helpers ay na-monitor sa apat na sea vessel sa Port of Cuyo, Port of Coron at Port of Princesa sa Palawan.

Base sa tala ng PCG, kabilang ang mga ito sa 859 stranded passenger at 568 rolling cargos na naitalang sumilong sa mga daungan sa Western Visayas, Southern Visayas, Central Visayas at Palawan nitong nagdaang araw.


Base sa ulat ng PAGASA, nanatiling masama ang kondisyon ng karagatan sa bansa habang tumatawid ang bagyo.

Paliwanag ng PAGASA, asahan pa hanggang bukas ang mga pag-ulan sa bahagi ng Babuyan Islands, Mainland Cagayan Valley, Aurora, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao.

Kasama ring makakaranas ng pag-ulan ang Batanes, Kalayaan Islands, at iba pang lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Facebook Comments