Stranded passengers sa mga lugar na apektado ng Bagyong Jolina, umabot na sa halos 2,000

Nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ng 1,731 sa pasaherong stranded dahil sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Jolina.

Bukod dito, may stranded na ring 588 na rolling cargoes, 10 barko sa Region 5, 6 at 8.

Batay pa sa monitoring ng NDRRMC may walong mga bahay na rin ang partially damaged dahil sa bagyo sa Region 6.


May walong pamilya rin sa Region 6 ang naapektuhan na ng pananalasa ng Bagyong Jolina.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na sinasalanta ng Bagyong Jolina para agad makapagbigay ng tulong sa mga apektado.

Facebook Comments