Tumaas pa ang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan sa mga lugar sa Bicol Region at Northern Samar na apektado ng bagyong Ramon.
Sa pinakahuling tala ng Philippine Coastguard, umabot na sa 4,412 ang bilang ng mga pasaherong nananatiling stranded sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes at Northern Samar.
Isang libo siyamnaput siyam (1,099) naman na mga rolling cargoes, labinlimang (15) mga vessels at labing apat (14) na mga motorbancas ang hindi na rin nakapaglayag at nanatiling nakahimpil sa mga pantalan para sa kanilang seguridad.
Tiniyak naman ni Coast Guard Spokesman Capt. Arman Balilo, na mahigpit na nilang pinatutupad ang mga guidlines para matiyak na walang malalagay sa peligro sa harap ng masamang panahon.
Facebook Comments