Stranded Swiss nationals sa Visayas at Palawan, tuluyan na ring makakalabas ng bansa

Na-evacuate na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ilang stranded Swiss nationals na inabutan ng COVID-19 lockdown sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Partikular ang Swiss nationals na naipit sa Palawan, Caticlan, Dumaguete at Cebu.

Mula sa naturang mga lalawigan sila ay lumipad patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasama ang consular team ng DFA.

Mamayang gabi naman ay lilipad sila pabalik ng Switzerland sakay ng sweeper flights.

Labis naman ang pasasalamat ng Swiss Embassy sa Pilipinas sa naging tulong ng Philippine Government.

Facebook Comments