Manila, Philippines – Binuwag na ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang Stratcom O Strategic Communications na bahagi ng kanyang tanggapan.
Epektibo ang pagbuwag sa Stratcom kahapon, Mayo 30 bilang bahagi ng isinasagawang re-organization sa PCO.
Ayon kay Andanar – layunin nito ang maiwasan ang Redundancy of Duties o ang pagdodoble ng mga gawain.
Alinsunod dito, dalawampu (20) sa apatnapung (40) mga empleyado nito ang ililipat sa ibang unit ng PCO habang ang natitirang mga contractual ay itinuturing na tanggal na sa kanilang mga posisyon.
DZXL558
Facebook Comments