Strategic investment priorty plan inaprubahan ni PRRD

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang Strategic Investment Priority Plan (SIPP) na binalangkas ng Board of Investments (BOI) at iba pang tanggapan ng pamahalaan na nangangasiwa sa tax incentives.

Nilalaman ng Strategic Investment Priorities Plan (SIPP) ang mga priority economic activities na eligible para sa government tax at fiscal incentives, alinsunod sa minamandato ng Republic Act. no. 11534 o CREATE Act.

Ito ang mga aktibidad, proyekto o industriya na nagsusulong ng pagiging competitive at matatag ng ekonomiya ng bansa.


Kabilang dito ang mga programa na nagsusulong ng green ecosystem, pagtitiyak na maaasahan ang health system ng Pilipinas.

Nakapaloob din dito ang mga programa na sisigurong makakamtan ng bansa ang self-reliance sa defense system, at pagsusulong ng moderno at nakikipagsabayang industrial at agricultural sector.

Kabilang din ang mga pag- aaral at programa para sa pagsabay sa makabagong teknolohiya, at iba pang inobasyon.

Sa ilalim ng Memorandum Order (MO) no. 61, hinihikayat ang government agencies na maglabas ng regulasyon na titiyak sa implementasyon ng SIPP.

Nakasaad sa MO, na walang tanggapan ng pamahalaan ang dapat na magpatupad ng hakbang na taliwas sa nilalaman ng nito.

Pirmado ni Pangulong Duterte ang kautusan, ika-24 ng Mayo, 2022. At magiging epektibo 15 araw matapos mailathala sa mga pahayagan.

Facebook Comments