Strategic partnership ng Pilipinas at Vietnam, pinagtibay

Naging mabunga ang pagbisita ni Ambassador of Vietnam to the Philippines, H. E. Lai Thai Binh kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr.

Kapwa kasi muling pinagtibay ng Pilipinas at Vietnam ang strategic partnership nito partikular na sa usaping panseguridad.

Tinalakay rin ng dalawang opisyal ang mga oportunidad upang mas mapatibay pa ang kolaborasyon ng Pilipinas at Vietnam sa larangan ng defense and security, counter-terrorism, martime security at marami pang iba.


Kasabay nito malugod ding tinanggap ng Pilipinas ang suporta mula sa Vietnam para sa pagtataguyod sa rules-based international order at international law, partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

Samantala sa layuning mas mapaigting pa ang defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa, inanyayahan ni Sec. Teodoro ang Vietnam Minister of Defense na bumisita sa Pilipinas upang talakayin ang iba’t-ibang usapin tulad ng disaster risk reduction at logistics cooperation.

Facebook Comments