Strategic positioning ng e-vehicle charging stations, isinusulong sa gitna ng matinding traffic sa bansa

Isinusulong ng Department of Energy (DOE) ang paglalagay ng maraming charging stations para sa electric vehicles.

Ito ay kasunod ng pagtulak ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na gawing pampublikong transportasyon ang mga E-vehicle sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Undersecretary Felix William Fuentebella na nakikipag-ugnayan na sila sa private corporations upang hikayatin silang magtayo ng e-vehicle charging stations sa mga malls, condominiums at maging sa mga gasolinahan.


Sa gitna ito ng banta sa posibleng pagtirik ng E-vehicles kung mauubusan ito ng baterya, dahil sa pagkakaipit sa matinding traffic.

Bukod dito, magde-develop rin ng application kung saan maaaring magpa-reserve ang E-vehicle users sa charging stations, gayundin ang pagsi-set-up ng charging stations ng mga Government Owned and Control Corporation (GOCC).

Aminado naman si Fuentabella na hindi lamang traffic ang maaaring maging sanhi ng pagtirik ng E-vehicle dahil maaaring ito ay masiraan at hahatakin, katulad ng mga traditional vehicles.

Facebook Comments