STRATEGY | Ilang hakbang para sa maintenance ng MRT-3, inilatag ng DOTr

Manila, Philippines – Naglatag ng ilang hakbang ang Department of Transportation (DOTr) para sa maintenance ng MRT 3.

Ayon kay Transportation Assistance Secretary TJ Batan, kasama sa mga strategies nila ang makakuha ng kwalipikadong service provider.

Kaya umaasa aniya sila na mapabalik ang Sumitomo, ang dating maintenance provider ng MRT at ang Mitsubishi Heavy Industries bago matapos ang taon.


Maliban rito, kumakausap na rin sila ng ibang grupo mula sa Singapore at France.

Kinumprima naman ni Batan na atrasado ang isa sa tatlong bahagi ng itatayong common station na magdurugtong sa mga pangunahing riles na bumabaybay sa Kamaynilaan.

Ito ay matapos ideklarang “failed” o bigo ang bidding para sa bahagi ng istasyon na magkokonekta sa LRT 1 and MRT 3.

Hindi kasi nagpasa ng bid ang mga kumpanyang DMCI homes, Megawide Construction Corporation at BF construction na nagpakita ng interes sa proyekto.

Gayunman, tiniyak ng DOTr na hindi maapektuhan ang iba pang bahagi ng common station, tulad ng common concourse area, at MRT-7.

Facebook Comments