STRATEHIYA NG STORM-DRAINAGE AT SEWAGE SYSTEM NG MILPITAS, CALIFORNIA, MAKAKATULONG SA FLOOD CONTROL SA DAGUPAN CITY

Isang mahalagang pagkakataon ang nabuksan para sa Dagupan matapos makapagsagawa ng learning and benchmarking visit sa lungsod ng Milpitas, ang sister city nito sa Estados Unidos.

Sa nasabing pagbisita, nagkaroon ng masinsinang briefing hinggil sa kanilang storm-drainage at sewage management system—mga estratehiyang kritikal sa paghahanda laban sa sakuna at pagpigil ng malawakang pagbaha.

Bilang bahagi ng immersion, bumisita rin ang delegasyon sa isa sa mga pump stations ng Milpitas. Ibinahagi nila ang kanilang mga insights, teknikal na kaalaman, at best practices na nagpapatatag sa flood-mitigation framework ng kanilang lungsod.

Ang mga natutunang ito ay magiging malaking ambag sa pagpapalakas ng drainage at flood-control strategies ng Dagupan, lalo na’t ang lungsod ay palaging nakararanas ng banta ng pagbaha.

Sa pag-angkop ng makabagong pamamaraan at epektibong sistema mula sa sister city, mas malinaw ang landas tungo sa isang mas ligtas, matatag, at climate-resilient na Dagupan.

Patuloy ang Dagupan sa pag-aaral, pakikipag-ugnayan, at pag-angkop—para sa mas handa at mas proaktibong lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments