Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet, muling binaha dahil sa malakas na ulan

Muling lumubog sa baha ang Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet matapos ang sunod-sunod na pag-ulan ngayong linggo.

Nagmistulang ilog ang kalsada sa Lower Bayabas, Pico matapos umapaw ang tubig bunsod ng flash flood.

Ayon sa ilang residente, umabot sa tatlo hanggang apat na talampakan ang tubig sa ilang lugar, dahilan para mahirapan silang makadaan.

Nangangamba ang mga magsasaka sa posibleng pagkalugi dahil madaling masira ang strawberry kapag nababad sa tubig.

Muli namang umapela ang mga residente para sa mas maayos na drainage system dahil bukod sa epekto sa agrikultura, nagdudulot din umano ng abala sa trapiko at banta sa kalusugan ang paulit-ulit na pagbaha.

Facebook Comments