STRAY BULLET | ‘Zero casualty’ sa indiscriminate firing, pinagmalaki ng PNP

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine National Police ang zero casualty sa indiscriminate firing incident sa nakalipas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, walang naitalang nasawi dahil sa mga stray bullet mula December 16, 2017 hanggang alas-dose ng tanghali ng January 1, 2018.

Nakapagtala rin aniya ng all-time low record ang PNP sa bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.


Sa tala ng Department Of Health, mas mababa ito ng 68 percent kumpara noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Bato, epektibo ang kampanya ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para mabawasan ang bilang ng mga nasusugatan dahil sa paggamit ng paputok, lalo na ng ilegal na pagpapaputok ng baril.
HUHULIHIN | Mga barangay tanod na may baril, pina-aaresto ni PNP Chief

Manila, Philippines – Pinapaaresto ni Philippine National Police Chief General Ronald Dela Rosa ang lahat ng mga armadong barangay tanod sa buong bansa.

Kasunod ito ng nangyaring madugong insidente sa Mandaluyong City na ikinasawi ng dalawang indibidwal na kinasasangkutan ng ilang barangay tanod sa naturang lungsod.

Sabi ni Dela Rosa, bawal nang magbitbit ng baril ang mga barangay tanod at sa halip ay batuta lamang ang pwede nilang dalhin.

Aniya, kung mayroon man silang mga legal papers gaya ng PTCFOR, ay pwede silang magdala ng armas pero hindi nila pwedeng dalhin ang mga ito lalo na kapag nagpapatrolya.

Dagdag pa ni Dela Rosa, kapag may PTCFOR ang mga tanod, hindi sila pwedeng kasuhan ng illegal possession of firearms pero maaari silang kasuhan ng homicide dahil may fatalities.

Facebook Comments