Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang “street clearing” ng lokal napamahalaan ng Dipolog sa mga nakahambalang mga tindahan, iligal na istrakturaat mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa syudad.
Nanguna sa paglilinis sa mga lansangan si Dipolog City MayorDarel T. Uy katuwang ang Office of the City Building Official, City EngineeringOffice, Traffic Management Office, PNP at iba pa.
Una nang pinakiusapan ni Mayor Uy ang mga may-ari ng bahay,tindahan at iba na nasa gilid ng national highway o daan na gibain na bagodumating ang ibinigay na taning.
Batay sa inilabas na Memorandum Circular ng DILG, nag-abiso itosa paglilinis ng lahat ng mga pampublikong lansangan laban sa mga illegalvendors, iligal na istraktura at mga sasakyan na iligal na nakaparada.
Matatandaan na una nang sinabi ni DILG Sec. Eduardo Ano na 60days ang ibibigay nilang palugit sa mga alkalde upang tumalima sa kanyangkautusan ngunit kalaunan ay pinaigsi ito at ginawang 45 days na lamang. -30-
Street clearing sa Dipolog City nagpapatuloy
Facebook Comments