Street dwellers sa lungsod ng Maynila, sinagip ng lokal na pamahalaan

Nasa higit isang daan at limampung (150) palaboy ang nasagip ng pinagsanib na pwersa ng Manila Police District (MPD) at Manila Social Welfare Department na nananatili sa iba’t ibang lansangan.

Ilan sa street dwellers na sinagip ay mula sa bahagi ng Quirino Avenue, Malate, España, Sta. Mesa, Road 10, Tondo at Recto Avenue.

Kabilang sa mga nasagip ay ang 30 menor de edad at mga senior citizen kung saan pansamantala silang dinala sa Manila Boystown sa Marikina City.


Ang operasyon ay kasunod ng direktiba ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na una nang napansin na dumadami muli ang mga natutulog sa kalsada.

Dahil dito, lahat ng istasyon ng pulis sa lungsod ng Maynila ay nagsagawa ng pagsagip sa mga palaboy na nasa kanilang area of responsibility.

Facebook Comments