Pinaiiwas ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga pagkaing nabibili sa mga lansangan.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi naman makakatiyak ang publiko kung malinis o hindi at kung paano inihahanda ang mga ibinebentang pagkain sa mga lansangan.
Aniya, maraming sakit ang maaaring idulot ng mga maruming pagkain gaya ng typhoid, hepatitis A, cholera, colli form bacteria at iba pa.
Pinayuhan rin ni Duque ang publiko na maglagay ng proteksyon sa balat kung magbibilad sa araw.
Facebook Comments