Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos itong mahulihan ng mahigit isang daang gramo ng hinihinalang shabu sa Salcedo, Ilocos Sur.
Nakilala ang suspek na isang 55 anyos na magsasaka at tukoy na isang Street-Level Individual sa nasabing bayan sa usaping ilegal na droga.
Nasamsam ang abot P775, 200 na halaga ng 114 na gramo ng hinihinalang shabu.
Ayon ss Police Regional Office 1, palalakasin pa ang kampanya kontra ilegal na droga at ang paghuli sa mga nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









