STREET LIGHTS NA NAG-UGAT SA ALITAN NG KAPITAN AT ISANG RESIDENTE, NAAYOS NA

CAUAYAN CITY- Naayos at naaksyunan na ng Barangay ang inirereklamong street lights sa Purok 4, Brgy. Amobocan, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Eduardo Duad, isang Linggo matapos ang nangyaring alitan sa pagitan ni Kapitana at isang residente hinggil sa street lights ay nagawa na nila itong palitan at ayusin.

Aniya, kabilang sa pagsasaayos na kanilang ginawa ay ang pagpapalit ng mga wire at light bulbs.


Dagdag pa niya, mahigit sampung street lights ang naayos at napalitan sa nasabing Purok.

Humingi naman ng dispensa sa isa’t-isa si Kapitana Duad at Bernard Lumley habang suspendido naman ng labing limang (15) araw si Barangay Tanod Rolando Abrojena.

Facebook Comments