STREET PAINTING ACTIVITY, ISINAGAWA SA BAYAN NG ASINGAN

Isinagawa ang isang street painting activity na inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Asingan na may temang “Tungkulin at ng Ambag Natin sa Pagtaguyod ng Isang Komunidad na Nangangailangan sa Kalikasan sa Gitna ng Nagbabagong Klima.”
Nagsama-sama ang mga miyembro ng kabataan partikular na ang mga Sangguniang Kabataan, mga Asingan People’s Council, PWD/PTA/SSG Federation, TESDA LMMSAT, at ABCD NGO upang ipakita ang kanilang talento sa pamamagitan ng pagguhit.
Samantala, magtatagal ang aktibidad na ito hanggang Disyempre 9, 2022 na matatagpuan sa L. Millan Street sa bayan. |ifmnews

Facebook Comments