
Maagap na naglilinis ang street swepers ng Maynila sa pinagdaanan ng prusisyon sa San Marcelino St. sa Maynila.
Pinakamaraming mga basurang nakolekta ng street sweepers ay bote ng mineral water.
Sa dulong bahagi ng Traslacion kapansin-pansin na nagpapahinga muna ang mga deboto sa gilid ng mga kalsada.
Ang ilan namang deboto ay kumain muna ng pananghalin bago humabol muli sa prusisyon.
Sa bahagi naman ng Romualdez St., kanto ng Ayala Bridge, may ilang deboto ang humimpil sa kanilang sinasakyang truck sakay ang replica ng Poong Hesus Nazareno.
Ilan ding mga deboto ang dumadagsa sa mga truck na may replica ng Poong Nazareno para magpapahid ng kanilang mga dala-dalang panyo at bimpo.
Facebook Comments










