STRESS DEBRIEFING | DOH, mamahagi ng gift certificate sa mga couple na nasa evacuees sa Albay para sa Valentine’s

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng stress debriefing ng Department of Health (DOH) para sa mga nagsilikas na residente sa Albay bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, magpapa-raffle ng gift certificate ang DOH para sa mga magkasintahang nananatili sa evacuation center ngayon.

Ayon kay DOH Bicol Director Napoleon Arevalo, kahit pa nasa ligtas na mga lugar na ngayon ang mga nagsilikas, nananatili aniya ang takot at pagkabalisa sa mga ito kaya’t dapat ay patuloy.

Ang mga dating certificate na ito ay magbibigay pagkakatoon sa mga magkasintahan na makapag-date sa mga restaurants at iba pang lugar.


Facebook Comments