England – Kinagigiliwan ngayon sa Northwood Primary School ang nine-week-old golden labrador na si Betty na nagsisilbing therapy puppy ng mga batang nag-aaral doon.
Ayon kay Sarah Hussey, head teacher ng eskwelahan, kahit lagi lang tulog sa trabaho si Betty, malaking tulong daw ang aso para mawala ang anxiety ng mga bata sa tuwing nalalayo sila sa kanilang mga magulang habang nag-aaral.
Bukod sa ginaganahang pumasok, napapatahan din sa pag-iyak ang mga bata sa tuwing tinatabihan sila ni Betty.
Paraan na rin daw ito para habang bata pa, mawala ang animal phobia ng mga estudyante.
At bilang pabuya sa mga batang perfect attendance, may chance silang makapamasyal kasama ang therapy puppy.
Facebook Comments