STRESS | Ylona Garcia – na-ospital matapos maka basa ng negative comments sa social media

Manila, Philippines – Na-ospital ang young singer-actress na si Ylona Garcia dahil sa social media stress.

Sa kanyang Twitter post kahapon, ikinuwento ni Ylona kung paano humantong sa pagpapaospital niya ang pagbabasa ng negative comments sa kanyang social media accounts.

Pag-amin ng 16-year old singer – nakalimutan niyang alagaan ang kanyang sarili sa kagustuhang ma-comfort ang iba dahil sa nararanasan nilang pambabash sa social media.


Dahil dito, na-stress daw siya to the point na kailangan na niyang ma-ospital.

Sa huli, umapela si Ylona na magpakalat na lang sa social media ng pagmamahal sa halit na galit sa kapwa.

Facebook Comments