STRIKE 2 | Ikalawang dismissal order, inisyu ng Ombudsman laban kay dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog

Manila, Philippines – Hinatulan ng ikalawang dismissal order ng Ombudsman si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Sa desisyon ng Ombudsman na nilagdaan noong December 22, 2017, guilty si Mabilog sa mga kasong grave misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Kaugnay ito ng pagkuha ng lungsod sa serbisyo ng 3l towing services para sa wheel towing ordinance ng Iloilo City.


Pero ayon sa nagsampa ng kaso na si konsehal Plaridel Nava, si Mabilog ang totoong may-ari sa 3l towing services.

Inutusan umano siya ng dating alkalde na maghanap ng tao na magsisilbing dummy owner ng kumpanya.

Dahil dito, inatasan din ng Ombudsman ang Ombudsman Visayas na gumawa ng fact-finding investigation laban naman kay Nava dahil sa pag-amin nito na siya ang naghanap ng dummy person.

Una nang sinibak sa serbisyo ng Ombudsman si Mabilog noong Oktubre 2017 dahil sa pagsisinungaling umano sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Facebook Comments