Isinisisi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa grupong Kadamay ang nangyaring gulo sa pagitan ng mga manggagawa at pamunuan ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sumiklab ang gulo sa rally sa NutriAsia dahil pumasok ang Kadamay na nagresulta ng pagkasugat ng ilang nagsikilos protesta.
Ani Bello, mayroon nang pag-uusap sa pagitan ng mga manggagawa at pamunuan ng NutriAsia para resolbahin ang gusot.
Inabot ng ilang araw ang ginawang strike ng mga manggagawa dahil sa maliit na sweldo at hindi maayos na pagtrato sa kanilang hanay.
Facebook Comments