STRIKE | Iraq, naglunsad ng air strike laban sa Islamic state fighters sa Syria

Naglunsad ng air strike ang Iraq laban sa mga miyembro ng Islamic state fighters na nagtipon-tipon sa Syria.

Hindi pa malinaw kung ilang terror units ang namatay.

Gamit ang F-16 fighter jets, binomba at winasak ang ‘operations room’ kung saan nagsasagawa ang mga bandido ng pagpupulong.


Lumabas sa ulat ng Iraqi military na plano ng mga ito na maglunsad ng cross-border attacks sa pamamagitan ng suicide bombing.

Ang paglunsad ng airstrike ng Iraq laban sa teroristang ISIS ay may basbas ni Syrian President Bashar Al-Assad at ng U.S.-Led Coalition.

Facebook Comments