STRIKTO | Paggamit ng tricycle bilang school service, pinahihigpitan

Manila, Philippines – Naglatag ng Memorandum of Agreement ang LTFRB, mga TODA at ilang ahensya ng gobyerno kaugnay sa paggamit ng tricycle bilang service.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development na pinamumunuan ni Quezon City Rep. Winston Castelo, hiniling ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na magkaroon na ng malinaw na panuntunan sa mga tricycle na ginagawang school service.

Kasama sa panukala ang paglalagay ng markings sa tricycle upang madaling matukoy na ito ay school service.


Dapat din ay dedicated o school service lamang ang paggagamitan ng tricycle at hindi ito pwedeng ipampasada sa mga pasahero.

Pinalilimitahan din ang bilang ng pasahero at pinalalagyan ng pinto ang mga tricycle para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Sa isyu naman ng insurance, sinabi ni Lizada na pumayag ang insurance provider ng LTFRB na gumawa ng proposal para sa mga tricycle operator na nasa P400 hanggang P700.

Facebook Comments