
Tiwala si Senator Sherwin Gatchalian na kailangang hakbang ang pagpapatupad ng curfew para maprotektahan ang ating mga kabataan.
Kaugnay nito ay nagpahayag ng suporta ang senador sa plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpatupad ng mahigpit na curfew sa mga menor de edad.
Giit ni Gatchalian, magpapatuloy ang banta sa kaligtasan ng ating mga kabataan kung hahayaan silang gumagala sa mga lansangan sa kalaliman ng gabi.
Sinabi rin ng mambabatas na ang pagsusulong ng kaligtasan ng ating mga kabataan ay bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa mga kalsada ng Metro Manila.
Unang inianunsyo ni DILG Sec. Jonvic Remulla na magpapatupad sila ng mahigpit na curfew sa mga kabataan na nasa edad 18 pababa na walang maipapakitang pruweba na galing sa trabaho o sa eskwelahan.










