STRIKTONG PAGGALAW NG PRODUKTONG BAGAY SA BAGULIN, LA UNION, IPINATUPAD KASUNOD NG KASO NG ASF SA KARATIG BAYAN

Muling ipinag-utos ng lokal na pamahalaan sa Bagulin, La Union ang striktong pagbabantay sa paggalaw o transportasyon ng mga produktong baboy kasunod ng kumpirmadong kaso sa karatig bayan.
Epektibo base sa kautusan ang transportasyon ng live pigs sa mga boundaries sa Brgy. Suyo, Dagup, San Juan, Wallayan at Cambaly kasabay ng pagbabawal sa pag-iikot ng mga magbababoy sa loob ng Bagulin.
Tanging mga meat products mula sa mga accredited slaughterhouses ang maaaring ipagbili sa publiko at kinakailangang magpresenta ng FDA License to Operate ang mga magpapasok ng processed pork products.
Mandatoryo rin ang disinfection sa mga magbababoy at striktong koordinasyon sa Municipal Agriculture office.
Layunin ng striktong pagpapatupad ng kautusan na mapanatiling Malaya sa African swine fever ang buong bayan upang maiwasan maulit ang malawakang epekto ng sakit sa hog industry sa lalawigan noong nakaraang taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments