Striktong pagkontrol sa bentahan at distribusyon ng disposable vape sa bansa, iginiit ng isang senador

Iginiit ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go ang striktong pagkontrol sa pagbebenta at distribusyon ng disposable vapes.

Kaugnay nito ang pagsuporta ng senador sa panukalang tuluyang ipagbawal ang pagbebenta ng disposable vapes sa bansa.

Ikinababahala ni Go ang unregulated na bentahan ng disposable vape lalo na sa online market na maaaring magresulta sa madaling pagbili nito maging sa mga menor de edad.


Bukod sa maaaring ma-access at mabili ito ng mga kabataan ay hindi rin napapatawan ng buwis ang bentahan ng naturang produkto sa online kaya malaki na ang ikinalulugi rito ng gobyerno.

Punto ng senador, mayroong umiiral na Vape Law sa bansa na idinisenyo para matiyak na ang mga vape na ibinebenta sa mga consumer ay ligtas at magagamit lamang ng mga nasa legal na edad.

Dahil dito, pinakikilos ni Go ang Department of Trade and Industry (DTI) na tugunan ang bentahan ng vape sa online at tiyakin na nasusunod ang batas at ang regulasyon dito ng bansa.

Facebook Comments