STRIKTONG PAGPAPATUPAD NG CHILD PROTECTION LAWS SA PANGASINAN, APRUBADO NA

Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na kumokondena sa pagtatrabaho ng mga menor de edad sa mga establisyimentong nagbebenta ng alak o sa entertainment industry bilang bahagi ng striktong pagpapatupad ng Child Protection Laws sa Pangasinan.

Sa naganap na regular session noong November 24, inihain ni 4th District Board Member Marinor De Guzman ang ordinance No. 445-2025 matapos ang umano’y nakakaalarmang ulat ng mga insidente sa mga bar.

Ayon sa mambabatas, nilalagay sa panganib ng naturang mga insidente ang kinabukasan ng mga kabataan kaya’t nararapat umanong ikondena ang Child Exploitation.

Napapanahon sa pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month na umiikot sa temang proteksyon ng kabataan mula sa online sexual abuse or exploitation upang mapangalagaan ang kanilang karapatan.

Kaugnay nito, bahagi rin ng hakbang ang layunin ng ordinansa upang matulungan ang mga pamilyang Pangasinense na maging kaisa sa pagiging malaya sa Child-Labor ang bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments