Nanawagan si Vice President Leni Robredo ng matibay at pangmatagalang hakbang ng gobyerno laban sa panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Robredo – hinihintay ng mga Pilipino ang pamahalaan na ipaglaban ang soberenya ng bansa.
Dapat aniya naibibigay ng pamahalaan ang proteksyon sa bawat mamamayan lalo na sa mga Pilipinong mangingisda.
Matatandaang namataan ang ilang barko ng China na umaaligid malapit sa Pag-asa Island at naiulat ang mga insidente ng pangunguha ng mga mangingisdang Tsino ng mga higanteng taklobo sa Panatag Shoal.
Facebook Comments