Stronghold ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, nakubkob ng MILF sa Maguindanao

Maguindanao – Nakubkob ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) ang stronghold ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) particular ang grupo ng ISIS inspired group na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alyas Abu Turaife ng jamatul Muhajireen Al Wansar sa Sitio Butalo, Barangay Tee, Datu Salibo, Maguindanao.

Ito ang naging resulta ng halos 8 oras na pakikipagbakbakan ng BIAF-MILF sa teroristang grupo na pinamumunuan ni Abu Turaipe sa nabanggit na barangay.

Sinabi ni 6th ID DPAO chief at spokesperson Army Capt. Arvin Encinas na isang bangkay ang natagpuan ng tropa sa lugar ngunit hindi pa nila nakukuha ang pangalan subalit ito ay tao umano ni Abu Toraipe.


Facebook Comments