Stronghold ng ISIS Inspired group nakubkob ng Milf sa Maguindanao

Nakubkob ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) ang stronghold ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters(BIFF) particular ang grupo ng ISIS Inspired group na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alyas Abu Turayfe ng Jamatul Muhajireen Wal Ansar sa sitio Butalo ,barangay Tee sa bayan ng Datu Salibo Maguindanao kahapon.
Ito ang kinumpirma sa Rmn Cotabato ni Division Public Affairs Office(DPAO) Chief at 6th ID Spokesperson Army Capt. Arvin Encinas.
Resulta umano ito ng halos 8 oras na pakikibakbakan ng Task Force Ittihad sa mga teroristang grupo sa nabanggit na lugar.
Sa nasabng labanan ay isang bangkay ang narekober na ngayon ay nasa kustodiya ng Datu Salibo Pnp at meron pa umanong dalawang bangkay ang hindi pa narerekober sa pinangyarihan ng labanan.

Facebook Comments