Manila, Philippines – Nabawi na ng mga tropa ng gobyerno ang dansalan college na nagsilbing “stronghold” ng ISIS-Maute Group sa Marawi City, Lanao Del Sur.
Ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, Spokesman ng joint task force Marawi, na-rekober rin sa naturang lugar ang nasa 50 bangkay ng mga sibilyan at miyembro ng maute kung saan kabilang ang isang foreign fighters na galing ng Singapore.
Tumambad din sa mga sundalo ang 14 na mataas na kalibre ng baril tulad ng caliber 50 heavy machine gun, communication items at isang drone.
Bagaman kakaunti na lang ang pwersa, aminado si Lt. Col Christopher Tampus, commander ng first Infantry Battalion Ng Philippine Army, na nahihirapan pa rin sila dahil ginagamit na human shield ng Maute ang kanilang mga bihag.
Samantala, nasa 1700 pang indibidwal ang na-rescue ng militar habang tinatayang 300 hanggang 500 sibilyan ang naiipit pa rin sa conflict zone.