Structural integrity ng gusali ng Senado, ipinapacheck na matapos ang magkakasunod na lindol

Pinapasuri na ni Senate President Tito Sotto III ang structural integrity ng gusali ng mataas na kapulungan matapos ang magkakasunod na lindol sa Cebu at sa Davao Oriental.

Ayon kay Sotto, ipinag-utos na niya ang pagkakasa ng earthquake drill ngayong linggo.

Ito ay para matiyak ang kahandaan at kaligtasan ng mga empleyado ng Senado sakaling magkalindol sa Metro Manila.

Tututukan din ang completion o pagtatapos sa itinatayong bagong Senate Building sa Taguig inaasahang makalipat na rito sa 2027.

Sa kasalukuyan ay umuupa ang Senado sa gusali ng GSIS na itinayo pa noong 1995 at sadyang luma na rin ang nasabing gusali.

Facebook Comments