Nagwaging gold medalist sa News Writing and editor-at-large ng Magnus sa St. Albert the Great School na si Tahnia Jannine Abrogar-Guarin sa Asiarope Olympiad International Round noong September sa Sunway Putra Hotel, Kuala Lumpur, Malaysia.
Iginawad kay Guarin ang Certificate of Recognition at cash incentive ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa flag-raising ceremony noong Lunes matapos nitong makapag-uwi ng dalawang parangal.
Isa sa mga nasungkit ni Guarin ang 2nd Runner-up Overall Top Scorer sa Category 4 – Journalism nang irepresenta ang Pilipinas sa international round.
Ginanap ang international round mula Agosto 30 hanggang sa Setyembre 2. Nakapasok si Guarin matapos magwagi sa national round dala ang Diamond Award noong Abril.
Batay sa tala, hindi ito ang unang international competition na sinalihan Guarin. Noong 2018, nakasungkit ang student journo ng Excellence Prize sa World Math Olympiad na ginanap sa Singapore.









