Sa hirap ngayon na dinaranas pagdating sa transportasyon tulad na lamang ng mga pampublikong sasakyan, jeepneys at tricycle drivers na nahihirapan dahil sa pagtaas sa presyo sa kada litro ng produktong petrolyo, narito ang inisyatiba ng ilang kabataan dito sa Dagupan City para kahit papaano ay maibsan ang hirap na kanilang dinadanas.
Ayon kay Melton Cabag, President ng Supreme Student Council ng Universidad de Dagupan, layunin ng inisyatiba na pagaanin ang sitwasyon ng mga tricycle at jeepney driver sa lungsod, na nagigipit ang kabuhayan dahil sa mataas na presyo ng langis.
Ipinamahagi ng mga kabataang lider ang mga gamot, tubig at tig-isang whole dressed chicken sa mga benepisyaryong drayber.
Buong pasasalamat naman ng mga driver dahil malaking tulong sa kanilang pangangailangan ang aktibidad na pinangunahan ng mga kabataan.
Samantala, hinikayat naman ni Cabag ang mga kabataan na tumulong sa iba’t-ibang pamamaraan; tanging panawagan rin nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










