STUDENT PILOT PATAY MATAPOS BUMAGSAK ANG MINAMANEHONG AIRCRAFT SA CABA , LA UNION

Patay ang isang student pilot matapos bumagsak ang isang tecnam P-2010 aircraft na minamaneho nito sa Wenceslao Caba La Union kaninang umaga, ika-26 ng Mayo.

Ayon kay Lemuel Sudiacal, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Officer ng Caba La Union, ang biktima ay kinilalang si Mark Irvin Sabile, 25 anyos, residente ng Paligui, Apalit Pampanga.

Aniya, nai-ahon na ang katawan ng biktima pasado alas 12:30 ng tanghali at dinala sa Caba Municipal Health Office ngunit idineklarang dead on arrival ng awtoridad.


Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa isang punerarya sa bayan ng Aringay. Ayon sa Civil Authority of the Philippines, Nagmula ang flight sa Iba Airport sa Zambales.
Papunta sana ito sa La Union Airport & Lingayen Airport at babalik sa Iba Airport.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente.

Facebook Comments