Baguio, Philippines – Nagpaalala si Baguio City Councilor Vladimir Cayabas na kailangang manaig ang mabuting kalusugan ng mga estudyante bago magsimula ang klase at kailangan nang makahanap ng paraan ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education(CHED) at ang Technical Education and Skills Development Autority (TESDA), kung paano ipapatupad ang study from home sa pamamagitan ng online learning para sa mga may kapasidad o modular paper-based para sa mga walang internet connection.
Ayon din sa konsehal, masusunod ang ganyang paraan kung hindi pa pwede ang face to face kahit may sariling pamamaraan na ang iba’t ibang eskwelahan kung haharap sa kanilang mga estudyante sa darating na new normal dahil may ibang eskwelahan din na magsasagawa ng face to face classes habang may Personal Protective Equipment ang parehong estudyante at guro.
Dagdag pa ng konsehal, lahat ng ito ay pinag-aaralan na kung paano ito gagawin sa lalong madaling panahon. Kasama na din ang pagsisimula ng klase sa Agosto 24, kung saan maaring maiurong ito kung sakaling biglaang tumaas muli ang kaso ng nagkakasakit, ngunit patuloy naman ang kanilang pagbabantay at pag-oobserba sa mga nangyayari at sa darating na Hulyo, magkakaroon na sila ng kongkretong desisyon.