Stuntman ng isang TV network na nagpakilalang tauhan ng NBI inaresto ng CIDG

Nakakulong na ngayon ang stuntman ng isang TV network matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril ng CIDG.

Kinilala ni Lt Col. Domingo Soriano, hepe ng CIDG Detective and Special Operations Unit ang suspek na si yan Martin Cabanas, 38 taong gulang.

Dinakip si Cabanas kahapon sa tinutuluyan nito sa San Andres, Cainta, Rizal sa pamamagitan ng warrant of arrest dahil sa kaso nitong illegal recruitment.


Ang suspek ay marami nang  nabiktima na humingi ng tulong  sa CIDG.

Ngunit nang mahuli ito, nakuha sa kanya ang ibat ibang klase ng  mga baril at bala, kasama na ang hindi lisensyadong .22 calibre rifle.

Narekober  rin mula sa suspek ang isang ID at badge ng NBI.

Sinasabi  kasi ng suspek  sya rin ay volunteer ng NBI na bineberipka pa rin hanggang sa ngayon.

Dagdag na kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law ang kakaharapin ng suspek.

Facebook Comments