Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay, inoobligang humarap sa susunod na pagdinig ng Senado kaugnay kay dismissed Mayor Alice Guo at sa mga POGO

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros kay Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay na dumalo sa susunod na pagdinig ng Senado matapos itong hindi makadalo kahapon sa imbestigasyon dahil may sakit na dengue.

Ayon kay Hontiveros, luminaw sa kanilang executive session kahapon na may kaugnayan nga si Calugay sa mga aktibidad ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa Sual mayor na dumalo sa susunod nilang pagdinig at huwag tangkaing tumakas o lumabas ng bansa.


Kaugnay nito, nanawagan si Senator Joel Villanueva sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno partikular ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Immigration na (BI) maging vigilante sa mga personalidad na nabanggit sa pagdinig upang hindi makatakas.

Sinabi ni Villanueva na dapat maging aral sa lahat ang pagkakadakip pa sa ibayong dagat ng mga pugante sa bansa dahil malaking sampal ito sa ating bansa.

Facebook Comments