SUAL POWER STATION, ISINAILALIM SA LOCKDOWN

SUAL, PANGASINAN – Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang Team Energy Sual Power Station matapos magpositibo ang ilang empleyado nito sa COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng lokal na pamahalaan, labing apat na empleyado nito ang nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Simula kahapon ika-26 ng Agosto sumailalim na ito sa lockdown at magtatapos sa ika- 10 ng Setyembre.


Ang pagsasailalim sa lockdown ay paraan upang mai-isolate ang mga empleyado at makontrol ang pagkalat ng virus.

Bagamat nakasailalim sa lockdown, magpapatuloy ang operasyon ng Team Energy ngunit hindi papayagang may makalabas at makapasok na indibidwal dito.

Tanging COVID-19 Task Force ang maaaring papasok dito na kinabibilangan ng Municipal Health Office at mga assigned families ng mga pasyente na maghahatid ng mga pangangailangan ng mga ito.

Facebook Comments