Idineklara na bilang National Cultural Treasure ang Sual Watchtower Ruins na matatagpuan sa Brgy. Baquioen.
Tinanggap kamakailan ng lokal na pamahalaan ang pagkilala mula sa National Commission for Culture and the Arts buhat nang makabuluhang epekto nito sa kultura at kasaysayan.
Ayon sa ilang independent documentaries, may sukat na 15 talampakan ang lapat nito habang may taas 10 talampakan at pinaniniwalaang natatanging Spanish colonial watchtower o Baluarte sa Pangasinan kahalintulad sa disenyo ng mga Baluarte sa Pasuquin, Ilocos Norte at Luna,La Union.
Tinaguriang ‘Parola’ sa Portuguese Point ng mga lokal ang naturang istruktura dahil sa lumang lighthouse na nasa taas ng talampas base sa imaheng nasa talaan ng Pambansang Aklatan noong 1900s.
Sa ngayon, bakas pa rin ang natirang bahagi ng Baluarte sa Sual.
Matapos ang deklarasyon ng NCCA, posible nang magsimula ang inspeksyon upang makita ang kondisyon ng istruktura upang matiyak ang proteksyon at pangangalaga dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









