Sub-Leader ng isang land grabbing group sa Southern Tagalog region, naaresto

Nahuli ng mga awtoridad ang lider ng isang armadong grupo na sangkot sa mga insidente ng pangangamkam ng lupain sa timog katagalugan at dalawang kasabwat nito sa ikinasang search warrant operation ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Sitio Bulak, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni CIDG Dir. P/BGen. Albert Ferro ang mga naaresto na sina Rodelio Caballes, lider ng kilabot na “Caballes Armed Group” at dalawang kasama nito na sina Gideon Exito at Ruben Palioc.

Nakuha sa kanila ang iba’t iba at matataas na kalibre ng mga armas gayundin ang mga bala nito, mga bag at iba’t ibang Identification o ID cards


Ayon kay Ferro, sangkot ang grupo ni Caballes sa pangangamkam ng lupain sa Rodriguez Rizal at bahagi rin siya ng “Rodriguez Land Grabbing Group” na nag-ooperate naman sa buong Calabarzon at MIMAROPA regions.

Sa ngayon, nahaharap na ang tatlo sa sa mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives).

Facebook Comments