Sub-Leader ng Terrorist Group Dawlah Islamiya sumuko sa militar sa Sultan Kudarat

60

Kusang loob na sumuko kahapon sa tropa ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sultan Kudarat ang sub leader ng Dawlah Islamiya Maguid Terrorist Group.

Kinilala itong si Khalid Kalaing alyas Khalid, 57-anyos na ang kanyang grupo ay nag-o-operate sa lalawigan ng Sultan Kudarat.


Siya ay tumungo sa headquarters ng 7th Infantry Battalion na nakabase sa Isulan, Sultan Kudarat para sumuko bitbit ang isang M635 rifle, isang M16A1 rifle, isang kalibre .30 M1 carbine, isang M14 rifle, isang kalibre .30 M1 garand rifle at mga magazine at bala.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang militar sa Local Government Unit para makapagbigay ng tulong sa sumukong terorista para sa kanyang pagbabagong buhay kasama ang kanyang pamilya.

Facebook Comments