Sisimulan na sa Hulyo ang pagti-test sa apat na sub national laboratories na itatayo ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Mayan Lumandas, pinuno ng Virology Department ng RITM na ang mga itinatag na sub national laboratories ay may kapasidad na sumuri ng apat na sakit.
Kabilang dito ang Measles o tigdas, Rubella, Japanese Encephalitis at Rotavirus.
Ayon ka Lumandas, mahalagang magkaroon tayo ng ganitong mga laboratoryo upang maging handa na rumesponde sa mga outbreak na posibleng tumama sa bansa.
Makatutulong din aniya ito sa pagbibigay ng mga datos para sa national immunization program at iba pang programa ng DOH na may kinalaman sa prevention and control ng mga sakit.