Manila, Philippines – Naglunsad ngayon ang Gabriela Women`s Partylist ng `Dengvaxia Watch` na tatanggap ng mga report sa mga kabataan na nabakunahan ng anti-dengue vaccine.
Layon ng `Dengvaxia Watch` na i-monitor ang health conditions ng mga public school students na naturukan ng nasabing bakuna.
Maaaring i-report dito kung may mga pagbabago ba sa isang bata matapos mabakunahan ng Dengvaxia o kung nagkaroon ng malalang dengue o sakit.
Aabot sa 700,000 mga kabataan ang nabakunahan ng Dengvaxia kaya naghahanda na sila s buhos ng mga report na matatanggap ng grupo.
Sa mga nais mag-report sa sitwasyon ng mga anak na nabakunahan ng Dengvaxia maaaring tumawag sa 02-353-5077, sa Globe 0977-627-4755, sa Smart 0908-365-3366 at email address dengvaxia.watch@gmail.com.