Subcommittee na didinig sa Cha-cha, binuo na ng Senado

Binuo na ang subcommittee na didinig sa Resolution of Both Houses no. 6 o ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Sa sesyon ay nagmanifest si Senate Majority Leader Joel Villanueva tungkol sa paglikha ng subcommittee na siyang didinig sa mga ipinapanukalang amyenda sa 1987 Constitution.

Partikular na pinaaamyendahan ang Articles 12, 14 at 16 o ang public utilities, education, at advertising ng economic provisions.


Ang subcommittee ay pamumunuan ni Senator Sonny Angara.

Binanggit din sa plenaryo na salig din ito sa instruction ng Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na si Senator Robinhood Padilla.

Naunang binanggit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na sa susunod na linggo ay target na umpisahan ng subcommittee ang pagdinig sa Charter Change.

Facebook Comments